PSIS - Certified Security Professional William Ubagan May Banat Sa Pagkakadakip Kay Francis Leo Marcos

Francis Leo Marcos - Home | Facebook

AS A FILIPINO CITIZEN AND ENTITLED TO EXERCISE MY FREEDOM OF SPEECH, EXPRESSIONS AND PRESS UNDER PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE III SECTION 4.
"No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expressions, of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances."

I am not pro and anti on this man. Hindi ko naman ito kilala personal. Kahit mayabang ang taong ito, may pakinabang naman sa bayan. Libo-libong tao ang napakain nito sa luzon sa mga kumakalam na sikmura ay nakakaraos dahil sa kaunting tulong ng taong ito. Sa tuwing namimigay ang taong ito ng tone-toneladang bigas, manok na buhay, kalabasa, gatas at iba pa, hindi man lang BINABALITA ng mga mainstream media ngunit nung nadakip ito dahil umano sa paglabag ng optomistry law sa baguio, MY GOD, HEADLINE agad ang nga hinayopak na mga mainstream media.

Alam ko, karamihan sa mga mainstream media ay tuta at palamonin ng mga oligarchs. Hindi lingid sa ating kaalaman na itong tao na ito ang nagpayanig sa buong mundo sa kanyang kinasa na MAYAMAN CHALLENGE. Na kailangan muna kalampagin ang mga taong nakahiga sa salapi upang mamahagi naman ng kaunting tulong s mga kababayan na naghikahos sa hirap sa panahon nitong pandemiya.

Maraming mayayaman, mga politiko at mga oligarchs ang parang nalagyan ng sili sa pwet noong nagkasa ng Mayaman challenge ang taong ito. Namumuo ang kanilang mga PRIDE at KADAMOTAN sa kanilang puso't isipan. Lahat na paraan gagawin nila upang makaganti sa taong ito. Mapabagsak ang taong minsan ng naging bayani sa iilan nating mga kababayan.

Ako'y naniniwala na ang kaso niya sa optomistry ay hindi mabigat na kaso at bailable naman. Ngunit pinursige ito ng mga taong nakalampag ang PRIDE upang IPAPAHIYA nila ang taong may pakinabang. At hayaan ang mga taong gutom at mamatay sa gutom dahil sa kakulangan ng ayuda ng gobyerno.

May pera ang taong ito, makakapagbayad siya ng bail. Alam ng mga kalaban niya na kaya niya magpiyansa, ang gusto lang naman ng kanyang mga kalaban kung sino sino man mga hudas na ito, ay ang PAHIYAIN SIYA, BUMABA ANG KANYANG POPULARIDAD at TUMIGIL SIYA SA PAGTULONG dahil nasasapawan iyong mga hudas na nasa gobyerno, politiko, mga elitistat oligarchs.

Ang nakapagtataka lamang po ay 2018 pa ang kaso na ito ngunit hindi naaksyonan kaagad. Ngayon na tumutulong iyong tao sa mga kababayan natin na mas naaapektohan sa dinadanas natin ngayong panahon ng pandemiya ay saka siya dinakip. Ano ba talaga? Bakit yong mga politikong magnanakaw ay malaya at pagala-gala. Bakit dito sa FLM na ito nakatuon ng pansin itong mga alagad ng batas? May nag uudyok ba sa kanila? Nagkataon nga lang ba? Ano ba ang katotohanan?


Well, kung anoman man ang puno't dulo nito, ipapasa Diyos na lamang natin. Siya ang mas nakakaalam sa mga bagay na hayag at lihim.

FLM "YOU HAVE DIRTY MOUTH WITH A GOLDEN HEART."
GOD WILL FORGIVE
GOD WILL REDEEM
GOD WILL SAVE
YOUR GOOD DEEDS WILL BE REMEMBERED TO THOSE OPENMINDED


William C. Ubagan, CSP

Comments

Popular posts from this blog

The Controversial Files : World Bank Top 10 Countries With Highest Gold Reserve! Philippine Landed Number 1

JOSE ANTONIO DIAZ aka SEVERINO SANTA ROMANA (DR. JOSE RIZAL)

Marcos Gold | True Story | Philippine Is The Richest Country In The World